|
SECURITY
FOR HOUSE REPRESENTATIVES
Ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Cong. Bersamin
at ang aming panawagan na dapat dalhin sa dambana ng hustisya
ang mga nasa likod ng pagpaslang na ito. Dapat ding magsilbing
wake-up call ito sa PNP at sa mga darating na panahon pagdating
ng election period sa Comelec dahil nasa ilalim na nila
ang pangangalaga ng seguridad ng ating mga kababayan at
ng buong bansa. Sana ay makontrol ng PNP at ng Comelec sa
mga darating na linggo't buwan ang pagpapanatili ng kapayapaan
sa buong bansa upang hindi maging madugo itong darating
na halalan na tila papunta roon. Sana magising na sila at
sana wag silang magpabaya sa tungkulin na panatilihing mapayapa
ang darating na halalan sa mga darating na buwan particular
na ngayong kapaskuhan.
Q:
Sa tingin nyo ba election related talaga yung pagpatay?
Personal
man o election-related hindi maikakaila na nagyari o karamihan
ng mga ugong-ugong kaugnay sa mga banta sa buhay ng mga
pulitiko ay lumabas nitong mga nakaraang linggo lamang noong
may katiyakan na ang halalan.hindi maikakaila siguro na
may posibilidad o malaki ang posibilidad na may kaugnayan
yan sa darating na halalan. Hindi ko pinapangunahan ang
PNP subalit maganda na maimpormahan sila, maganda rin na
paalalahanan sila at masabihan na nalalapit na ang halalan,
nalalapit na naman ang girian at mainit na ika nga ang bangayan
sa pulitika. Marapat na ngayon pa lang simulan na nilang
magpakitang gilas at panatilihin ang kapayapaan sa ating
bansa.
Q:
mag-re-request ba kayo (security)?
Wala
kaming planong mag-request baka mamaya masayang lang yung
papel na isusulat namin dahil baka hindi rin naman kami
bigyan at walang balak bigyan dahil nung una nga ay inalis
na at tila wala namang planong ibalik sa parte at particular
na sa myembro ng opposition.
Q:
Message for Speaker Jose de Venecia in giving protection
to House members..
Bilang
kasalukuyang ama ng Kamara de Representantes, obligasyon
ng liderato ng Kamara na pangalagaan ang kaligtasan at ang
buhay ng bawat myembro. Itong pagpaslang sa isang member
ng Kamara ay isang sampal sa institusyon mismo at walang
dapat kinikilalang oposisyon o administrasyon, dapat tingnan
lamang natin ito bilang atake sa isang member ng isang institusyon
na tinatawag nating Kongreso at marapat din na gumawa ng
hakbang si Speaker Jose de Venecia para pangalagaan ang
sieguridad n gaming mga myembro ditto sa loob ng Kongreso
mapa-oposisyon o mapa-majority man o minority.
|